MGA BISYO
Hindi na lingid sa ating kaalaman na madami na ngayong mga kabataan ang nalululong sa mga bisyo. Nakakatawa nga at sa loob ng gate ng mga Unibersidad dito sa Pilipinas, may mga nakalagay na bawal manigarilyo ngunit paglabas na paglabas ng gate ay makikita mo ang mga kabataan na nakapila sa labas. At ano ang ginagawa nila? Inuubos ang pera para sa usok na nilalanghap-langhap nila.
Kung tutuusin ay hindi naman ganoon kasama ang bisyo ngunit nagiging masama lang ito pag sobra na. Hindi ba at may kasabihan na lahat ng sobra ay masama? Layunin ng paksa naming ito ay upang ipamulat ang mga kabataan na nalululong sa bisyo nahabang maaga ay ituwid na nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtigil sa bisyo. Maaaring wala pang masamang naidudulot ang mga ito sa ngayon ngunit kailan ititigil ang bisyo? Pag may sakit na ang isang taong nalulong sa bisyo?
Ito ang dahilan kung bakit namin pinili ang paksang ito. Sana ay may matutuhan kayo sa pagbabasa ng pinaghirapang naming pananaliksik para makapagbigay-linaw sa ating mga kabataan sa ngayon. Kami ay nangalap ng ng mga datos sa pamamagitan ng internet at sa mga taong may mga bisyo. Inalam namin kung anu-ano nga ba ang mga epekto ng bisyo at kung ano rin ang mga kadahilanan bakit maraming tao ang nalululong sa iba't-ibang klase ng bisyo.
Dapat ay maging magpagmasid tayo sa mga bagay-bagay na ginagawa natin, kung itp ba ay masama o nakakabuti sa ating sarili. Alam naman na natin kung ano ang tama o mali para sa atin.

MGA PATOK NA BISYO NGAYON!
ito ang mga larawan ng mga bisyong pumapatok ngayon lalong-lalo na sa mga kabataan,
ang tanong. Kaya pa bang pigilan ang mga to?!!
bakit kaya maraming nagyoyosi? ayon sa aming pagreresearch, nakakahumaling daw ang amoy nito, totoo yan, kasi ang yosi, merong drug na tinatawag na nicotine. ito ang dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling sa amoy at usok ng sigarilyo. ito rin ang dahilan kung bakit mahirap pigilan ang paghihit at buga sa yosi.
Meron pa nga akong nabasang blog ng isang lalaki kung saan tinawag niya ang yosi bilang isang kaibigan na hindi ka iiwan kahit kailan. Kaya niya nasabi na kaibigan nia ang yosi dahil sa mga pagiisa niya nakapagyosi siya at nakakalimutan niya daw ang takot,problema agiisa pag nagyoyosi siya. Isa rin siya sa taong nahumaling sa amoy ng yosi.
isa yan sa mga kilalang kumpanya ng yosi. siguro super yaman na ng may ati ng kumpanyang yan, sa dinami dami ba naman ng konsyumer nia, kulang n alang humiga siya sa sobrang yaman niya,pero syempre hindi rin naman natin alam dahil hindi lang naman siya ang kumpanya ng sigarilyo na gumagawa ng tabako. pero biruin mo nga naman, sabhin natin Piso ang halaga ng isang stik ng yosi at kung sa isang araw, 5 milyon ang taong humihithit ng yosi na ginagawa nila, eh di sa isang araw lang may 5 milyong piso na agad siya at dito pa lang sa pilipinas yun!
Meron pang mga dahilan kung bakit ang iba ay nagyoyosi, sa babae, kalimitan nakakadagdag daw ito sa pagiging sosyal kapag nagyoyosi sila, o kaya ung iba naman, kung kaya ng lalaki, kaya din nila. sa lalaki naman, lumalabas daw ang pagkalalaki nila pag nagyoyosi sila, nagiging matipuno siguro sila sa pakiramdam nila at kung hindi man ito ang dahilan nila, siguro ay nagrerebelde sila o may problema sa bahay.
iilan lang siguro ito sa mga dahilan kung bakit marami na ang tunatangkilik sa gawang-yosi ngayong panahon.
UY! DOTA TAU!!
Ang larong DotA ay nilalaro sa isang kompyuter shop na may LAN o kaya sa bahay na may Battlenet o GG client. Sa kadahilanang naka-LAN ang isang kompyuter shop, nagkakaroon ang isang manlalaro ng ugnayan sa kapwa manlalaro. Kung mapapansin, habang naglalaro at pinindot ang ENTER sa keybord, nagkakaroon ng pagkakataon makipag-usap ang manlalaro sa kapwa manlalaro. Ang chat sa DotA ay halos walang pinagkaiba sa chat sa text messaging o sa pagchachat sa internet. Tulad ng text messaging at chat, nagkakaroon ng bagong varayti ng wika sa larong DotA. Ginagamit ng bawat manlalaro ang chat para maging mabilis ang komunikasyon sa bawat isa. Ginagamit din dito ang istilo ng text messaging, ang pagpapaikli ng mga salita. Ayon sa website na http://www.angelfire.com/va/pinoydude/fliptest.html, ang mga Pilipino daw ay mahilig mag paikli ng mga salita tulad ng O.A. (over acting) o kaya ay ang salitang air-con (air conditioner). Kung minsan ang mga Pilipino ay pinapaikli pa ang salitang napakaikli na. Ayon sa aking mga nakapanayam na manlalaro, pinapaikli nila ang mga salita dahil sila ay nakikipagchat habang naglalaro. Kailangan daw masabi sa mga kakampi ang nais sabihin sa mabilis na paraan. Ginagamit din ang chat sa DotA upang makipagusap ng palihim sa kalaban. Madalas ginagamit ang chat para gumawa ng plano kung paano papatayin ang isang hero. Dahil sa ganitong pagkakataon nakakabuo ng bagong termino sa pamamagitan ng DotA.(http://jonbade.multiply.com/journal/item/8)

Ang Bisyo ay maraming epekto, halimbawa na lamang sa sigarilyo, paghina ng baga, pagkakaroon ng ubo na hindi normal, at sa masamang palad maaari ka pang magkaroon ng kanser sa baga o sa bibig. Ang paninigarilyo ay walang naidudulot na mabuti sa halip, ito ay nakakasama. kapag ang isang tao na nalulong na sa bisyo ng paninigarilyo, mahihirapan na siyang makaiwas o mapigilan ito. Nakakabaho rin ito ng hininga ng tao at nakakapangitim ng labi. Maraming rin na lamang-loob ang napipinsala sa sobrang pagyoyosi. Maaari siyang maka eksperiyens ng pagkatuliro, depresyon, hindi mapakali, hindi makatulog at marami pang iba. Ang mga ito ay tinatawag din na " Withdrawal Symptoms " .
Ang ikalawa namang bisyo na sangkatutak din ng epekto ay ang alak. Isang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng kanser sa atay, sakit sa puso, stroke, diabetes at ang paglaki ng tiyan ng isang sobrang manginginom. Hindi naman masamang uminom kaya lang dapat itong ilagay sa tamang lugar. Huwag abusuhin ang katawan sa mga bisyo.
Ito ang larawan ng magiging hisura ng atay dahil sa sobrang paginom ng alak. Ang panget panget na ng atay natin diba!
Ang pangatlong bisyo na uso ngayon, ay ang paglalaro ng Dota. Maraming estudyante lalo na ang mga kalalakihan ang nahuhumaling dito. Ito ay napapasama na para sa mga umaabuso dahil kadalasan, nakakasira na rin ito sa pagaaral ng mga lumalaro. Sila ay nagcucutting na ng kanilang mga klase para lamang makapaglaro ng dota sa mga kompyuter shop na malapit sa kanilang eskwelahan. Patok ito sa dapitan. Minsan napagmumulan ito ng away ng mga estudyante at ang masama nagiging bayolente ang iba at nagiging sugal na rin ito dahil napagmumulan din ito ng mga pusta-pustahan ng mga manlalaro.
KONKLUSYON